Lyrics > F > Francis M > Nilamon Ng Sistema | 0-9 A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z

Francis M - Nilamon Ng Sistema Lyrics:

Lyrics to Nilamon Ng Sistema by Francis M: Correct These Lyrics



Ang awit ng ito'y inaalay ko
sa mga biktima ng ating lipunan
Mga nilamon ng sistema
Ating pakinggan

Meron akong kilala ang pangalan ay Pamela
Naghahanap ng trabaho, lumuwas sya ng Maynila
Ako'y nag-alala sapagka't hindi nya nalalaman
Na ang buhay sa Maynila ay hindi basta basta lang
Mga bwitre ang naglikiparan
Lumilipad sa may syudad nag-aantay na lamang
Bubot at inosente
Batang bata at wala pang bente
Katorse anyos lang at marami ng kliyente
Niloko sya ng rekruter, hinamak at winasak
Ang kanyang kinabukasan ay tuluyan ng nawarak

CHORUS:
Nilamon.... yeah
Nilamon.... Wooh
Ng sistema

Eto naman ang istorya ng isang bantang
Galing sa broken home
Batang bata pa, kawawa naman
It goes like this
http://www.free-lyrics.org

Ito naman ang istorya ng isang batang gumagala
Sampung taon pa gulang pa lang nagka-hinahinala
Ang kilos ng musmos dahil lasing na naman si itay
At sya'y pinagbuhatan ng kamay
Si inay nagsusugal doon sa madyungan
Napakasakit kapag walang humahagkan
Lumayas sa kanila at nag-alsabalutan
Tumambay kasama ng mga istambay sa lansangan
Dyan sa kanto sumasama kahit kanino
Isipin ninyo kung sino ang may sala dito

CHORUS

Eto naman eh
tungkol sa mga kababaihang nating nagpapakahirap
Kung tawagin natin eh Japayuki
Para sa kanila ito

Ang ating kababaihan ay nagasisiliparan
Patungo sa ibang bansa, saan, sa Japan
Matulungan lamang mai-ahon sa kahirapan
Ang pamilyang umaasa sa kanila lamang
Ilan sa kanila ang umuwing luhaan
Inabuso, minaltrato at saka sinaktan
Tigilan na ang ganitong paraan
Ng pamumuhay ng ating kababaihan
Masisisi ba sila o dapat kaawaan
Kasalanan ba nila o kasalanan ng Bayan

CHORUS



View more Francis M Song Lyrics:
     Francis M - Nilamon Ng Sistema Lyrics
     Francis M - Nais Ko Lyrics
     Francis M - Girl Be Mine Lyrics
     Francis M - Cold Summer Nights Lyrics
     Francis M - Baw Waw Waw Lyrics
     Francis M - Kaleidoscope World Lyrics
     Francis M - Three Stars And A Sun Lyrics
     Francis M - Old Man Lyrics
     Francis M - Pen And Ink Lyrics


© 2008 All Rights Reserved. Charts Reset Weekly. All lyrics are property of their respective owners and are strictly for educational use only.